FANDOM



CnR International - Filipino/Philipino

Maligayang pagdating sa mga Cops at Robbers ng CrazyBob! Sa ibaba ay ang pangunahing impormasyon ngunit ng mahusay na halaga na isinalin sa filipino upang matulungan ang mga bagong manlalaro na maunawaan ang konsepto ng server.

How to Play - Pano Mag Laro

Walang nais na misyon ang CnR, gawin mo lang ang gusto mong gawin. Samantala, merong mga batas na dapat sundan ng bawat manlalaro.

The Rules/Ang mga batas:

Pero syempre, dpat alam ng mga player ang bawat batas. Maari lamang pindutin ang link sa baba. Siguraduhing mababasa sya!

In-game Colors/Kulay ng mga manlalaro:

Merong mga kulay ang bawat manlalaro sa CnR, ang mga ibig sabihin neto ay nakalagay sa ibaba:

  •  White/Pute = Inosenteng sibilyan.
  •  Blue/Asul = Pulis/Manggagamot/taga benta ng armas para sa pulisan.
  •   Purple = Pulis na humihingi ng tulong.
  •  Yellow/Dilaw = Suspek ( pede bigyan ng ticket )
  •  Orange = Suspek na wanted. ( pedeng arestuhin )
  •  Green/Berde = Driver na nag hahatid sundo. ( inosente )

Law Enforcement/Kapulisan

Ang mga kapulisan ay kailangan protektahan ang siyudad at ang mga inosente nito sa mga krimen. Ang mga pulis ay dpat rumoronda sa siyudad upang mapigilan ang mga krimen, ang mga manggagamot ay kailangan pagalingin at gamutin ang mga manlalaro na may sakit habang ang mga taga benta ng armas sa pulis ay kailangan sumuporta sa mga pulis na nangangailangan ng armas.

Karamihan sa mga krimen ay nairereport lamang pag may malapit na pulis, kaya dapat ang mga kapulisan ay kailangan rumonda. Ang mga kulay dilaw dpat mabigyan ng ticket, habang ang mga orange na suspects ay kailangan arestuhin. Ang mga kapulisan ay nakakakuwa ng puntos at pera sa bawat aresto, ticket at pakikipag tulungan, kaya siguraduhin na pede kang makipag tulungan sa iba pang kapulisan.

Civilian/Sibilyan

Ang mga sibilyan ay pede pumili ng isang unique na abilidad, na nag bibigay ng advantage dun sa aspeto na iyon, pero hindi naman nalilimitahan ang pede nilang gawin. Maari lamang pindutin ang Skills page sa baba para makita at makakuwa ng impormasyon sa bawat abilidad na pedeng piliin.

Ang mga sibilyan ay maraming pedeng gawin, at pede kang makakuwa ng puntos o pera sa bawat aktibidad na maitapos or maipasa mo. Kung ikaw ay malakas ang imahinasyon mo, maari kang yumaman.

Bilang sibilyan, responsibilidad mo na sundin ang batas ng siyudad, o mapaparusahan ka. Ang pag dadrive ng mabilis ay hindi labag sa batas ng San Andreas, pero pag nanakaw ng kotse, pag nanakaw sa kapwa tao, pag bebenta ng ilegal na droga at pag dadala ng ilegal na kontrabando ay isa lamang sa mga halimbawa na pede kang makulong or matiketan. Pag masyadong mataas ang lebel ng iyong pag ka kriminal, mabibigyan ka ng warrant of arrest at pede kang ma aresto. Mahule ka or mapatay, makukulong ka ng ilang minuto.

Basic Gameplay/Basics:

Kung ika'y nakapag laro ng GTA before, kahit ano man yan, hindi na magiging komplikado ang CnR para sayo. Ang mairerekomenda namin ay gawin mong pamilyar ang sarili mo sa GTA: San Andreas bago mag laro ng CnR. Parehas lang ang mga controls sa single player dito maliban sa isang button na pede lang sa SAMP. At yun ay ung G button na pede mong gamitin para maging passenger sa isang kotse/sasakyan.

Karamihan ng impormasyon sa laro na to ay nakikita sa bandang taas na pakaliwa at ang mga commands ay tinatype sa chat box. Para makapag chat or gumamit ng command, pindutin lamang ang letrang T sa iyong keyboard, itype mo ang gusto mong sabihin sa lahat or ang command na gusto mong gamitin at pindutin ang Enter button. Ang pag gamit ng / prefix ay para sa mga command. Karamihan sa mga command ay similar sa pangalan nila, tulad ng pag nanakaw sa isang player, gamitin lamang ang command na /rob sa chta box. Pede rin namang tignan ang Commands page para sa iba pang impormasyon at halimbawa ng mga commands.

Maari lamang i type ang /help, /commands o kaya /faq para makakuwa pa ng ibang tulong sa laro.

CnR Rules - Mga Patakaran

Ang CrazyBob's ay PANDAIGDIGAN. Pwede kang magsalita ng kahit anong wika o lengguwahe sa ano mang server na iyong sasalihan. Ang mga admins ay maaring pwedeng magpatupad ng mga patakaran sa kanilang diskresyon, kaya makinig kayo sa sasabihin nila. Gumamit ng Common Sense!. Ito and listahan ng pangkalahatang tuntunin ng server:

1.) Paggalang sa mga admin.

Nandito ang mga admin para siguraduhing masaya ang paglalaro ng lahat. Makinig kayo sa kanilang mga sasabihin at tandaan na hindi nila maaaring harapin ang lahat ng isyu. Wag mapanginsulto sa kanila at galangin ang desisyon ng admin. Bawal kayo sumali sa server na gumagamit ng pangalan ng admin.

2.) Paggalang sa ibang manglalaro.

Tandaan na laro lang ito, wag gawing seryoso ang buhay. Bawal mapanlait sa ibang manlalaro at wag sadyang guluhin ang mga ibang manlalaro na iniintindi lang ang kanilang gawain.

3.) Bawal mag-deathmatching / Pagpatay ng walang dahilan

Kapag ikaw ay inaatake, pwede mong ipag-tangol ang iyong sarili, pero and pagatake ng ibang manglalaro ay hindi papaubayan. Ang CnR ay hindi deathmatch server, at maari kang mapaalis sa server dahil sa sobrang pagpatay o kaya ang pagpatay ng walang dahilan. Kasama dito ang paglagay ng random hit contracts. Ang mga pulis ay dapat magbigay ng ticket at arestuhin ang mga suspek, at ang paggamit ng pwersa sa mga sibilyan kapag ikaw ay pinagtatanggol ang iyong sarili o kapag mag tumatakas ng suspek.

4.) Pulis: Bawal umatake sa mga inosenteng sibilyan at sa kapwa Pulis.

Ang Pulis ay BAWAL umatake ng mga inosenteng sibilyan (kulay puti) o ang mga ibang kapulisan (kulay asul). Ang layunin ng Pulis at protektahan ang mga inosenteng sibilyan. Ang mga Pulis ay bawal rin mamangkarnap ng kotse sa mga inosenteng sibilyan.

5.) Bawal ang pangdaraya/pagsamantalahan ang bugs

Kapag ang manglalaro ay nahuling nangdaraya o kaya pinagsasamantalahan ang mga bugs ay mauuwi sa pagban sa server at ang mga account ma-disable. Ikaw lamang ang responsable sa sinumang gumagamit ng iyong Internet Connection at ikaw ay responsible lamang sa iyong CnR Account. Kapag ikaw ay nakahanap ng bug na pwedeng pagsamantalahan, paki report ito sa admin gamit ang private messaging sa Forums.

6.) Bawal ang mods

Ang pwedeng GTA mod lang dito sa CnR bukod sa SA-MP ay ang Detailed Radar Mod. Kahit anong pang mod, ano man yan, kahit walang epekto, ay bawal sa mga servers. Paki gamit nalang ng clean install ng GTA:San Andreas para makapaglaro ng CnR. Ito ay upang mapanatili na lahat ng manglalaro ay pareho and mga nakikita at ang mga karanasan sa mga server.

7.) Bawal mag-advertise/spam

Lubos na bawal ang pag-advertise sa mga server, forums, at sa irc channels. Kasama dito ang mga websites, ibang servers at clans. Bawal mag-recruit para sa mga clans. Mabilis na nga ang paggalaw ng in-game chat, kaya paki iwasan nalang ang pag-spam. At tsaka kahit na related yan sa laro, iwasan ang sobrang spam sa chat ng "selling xxx at xxx" na advertisements.

8.) Bawal mag-pause.

Wag na wag mag-pause para sa kahit anong rason. Kung ikaw ay may balak mag afk, quit ka nalang ng server at bumalik ka nalang kapag bumalik kana. Ang mga players na naka-pause at awtomatikong maki-kick sa server.

9.) BAWAL mag-quit para iwasan ang ANUMANG BAGAY

Bawal mag-quit upang iwasan ang hit contract, ang atake ng iba, pagnanakaw, o ang parusa ng mga admin. Ang mga manglalaro na nag-quit to avoid ay walang makukuhang respeto at paparusahan ng mga admins.

10.) Magmaneho ng maayos!

Magmaneho lang sa kanang daan ng kalsada (hindi sa kaliwang daan ng kalsada), pumasa lang sa kaliwa, at wag ibunggo ang ibang kotse ng mga manglalaro na walang dahilan. Ingatan ang mga ibang drayber at magpadaan ng mga kotseng pulis sa kalsada.

11.) Ang mga Pulis ay bawal makipagtulungan sa mga sibilyan.

Ang kapulisan ay hindi dapat makipagsabwatan sa mga sibilyang manlalaro. Pwede mong tanggapin ang mga bribe nila sa iyong diskreyson, pero ang mga pulis ay bawal kasama ang mga kriminal at dapat bawal talaga magtrabaho kasama ang mga sibilyan.

CnR Forum Rules

Maligayang Pagdating sa aming bagong Forums!

Ang mga forums na ito ay pribado. Nasa amin ang karapatan tumanggi ng anumang pag-gamit at pagpasok dito sa forum mula kanino sa anumang rason na aming nakikita.

Ang mga forums na ito ay maaaring maglaman ng mga materyal na malaswa, na maaaring hindi angkop sa mga menor de edad.

Ang mga forums na ito ay maaaring maglaman ng mga materyal na nakakasakit sa ilang kapwa na tao. Ikaw ay responsible sa pag-iwas sa anumang materyales na nakakasakit sayo.

Ang mga nilalaman na naka-post ay ang responsibilidad ng kung sino man ang nag-post neto.

Ang mga opinyon na ipinahayag dito sa forums ay galing mismo sa mga indibidwal na gumagamit at hindi ito sumasalamin sa mga pananaw ng pangangasiwa ng CrazyBob's Cops And Robbers.

Ang mga impormasyon at nilalaman ng mga forums ay ang pag-aari ng mga indibidwal na nag-post neto. Hindi ka maaaring mag-post, kumopya, magparami, o magamit ang anumang nilalaman ng forums para sa anumang layunin nang walang permisyo mula sa user na original na nag-post ng nilalaman.

Ang paglabag sa mga patakaran na ito ay magreresulta sa isang babala. Kapag ikaw ay umabot ng 5 babala galing sa mga administrador, ang iyong account ay malalagay sa probasyon at hindi ka makakapag-post ng 5 araw.

Kapag ang account mo ay muling pinagana, ang bawat karagdagang babala ay magreresulta sa pag-disable ng iyong account sa loob ng isang linggo. (7 na araw)

Kapag ikaw ay umabot sa 10 na babala, ang iyong account ay ganap na hindi mo magagamit ng isang buwan (30 na araw)

Awtomatikong mawawala ang mga babala sa loob ng 90 na araw.

Maari sana tandaan na ito ay mga alituntunin lamang, ang iyong account ay maaaring ilagay sa probasyon o ma-disabled ng administrador sa walang limitasyong tagal ng panahon sa kaniling paghuhusga.

Narito ang mga panuntunan sa forums:

  •  Ang pangunahing panuntunan ay: gamitin ang karaniwang kahulugan. Kami ay hindi masyadong mahigpit tungkol sa ano/kailan/kung saan ka mag-popost., ngunit hinihiling namin na gumamit ka ng maliit na sentido komun.
  •  Mag-post sa tamang seksyon. Meron kaming dahilan kung bakit may mga iba't-ibang mga seksyon, subukang mag-post sa isang tamang naaangkop na seksyon.
  •  Huwag mag-spam. Ito ay simple lamang intindihin, ang mga posts na walang silbi at walang kahulugan ay itinuturing na spam. Kabilang dito ay ang pag-spam sa PMs.
  •  Bawal mag-advertise. Ang anumang mga panlabas na link ay dapat na may kaugnayan. Hindi ito ang lugar upang maghanap ng mga tao para sa iyong mga pyramid scheme.
  •  Bawal ang pag-download ng mga application. Para sa seguridad ng lahat, hindi ka maaaring mag-post ng mga link sa pag-download ng application o script.
  •  Bawal ang malaswa o sekswal na materyal. Pwede dito ang kahubaran, pero hindi naman ito porn forums. Pakiusap na bawal ang masagwa.
  •  Bawal ang ilegal na materyales o links, kasama dito ang mga links sa anumang mga website na naglalaman ng ilegal na materyal.
  •  Huwag mang-troll / mang-insulto sa kapwa tao / magsimula ng gulo. Kung wala kang magandang sasabihin, huwag ka nalang magsalita ng kahit ano. Hindi ito nalalapat sa Bitching and Moaning seksyon.
  •  Bawal mag-post ng larawan o pribadong impormasyon ng kung sino mang tao nang wala sa kanilang pahintulot.
  •  Respetuhin ang mga tiyak na panuntunan ng mga boards! Ito ay napakahalaga. Ang ilang mga boards ay merong mga partikular na alituntuning sa pag-post at pag-reply. Ang hindi pagsunod sa mga tuntuning ito ay siguradong magreresulta ng babala.
  •  Huwag makipagtalo sa mga moderator / admin. Kung meron kang problema kung pano nila ginagawa yung trabaho nila, ipadalhan mo sila ng PM o Private Message sa forums.
  •  Bawal ipagamit ang iyong account sa iba. Ang isang account na may iba't-ibang tao ang gumagamit ay madidisable.
  •  Huwag magpanggap bilang moderator. Hayaan mo ang mga moderator na gawin ang kanilang mga trabaho, i-report ang mga posts kung kinakailangan, pero wag abusuhin ang report feature.

Ang mga panuntunan na ito ay pwedeng magbago sa anumang oras.

Ang mga admins ay maaaring ipatupad ang mga patakaran sa anumang paraan na nakikita nilang angkop.

Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.